73.2 Call for Contributions 

HEIGHTS Ateneo
and
January 9, 2026

What feels distant? What feels close?

Distance—relative to what is in proximity to us—grows.

Distance/proximity is seen in physical space to portray how far and close we are from a certain point. It is also felt in emotional states where rifts in connection can make us withdrawn from those we care about. In these spaces, we observe relationships and decide on what we want to do with the gaps in between, whether to widen it, maintain it, or close it.

The lines between distance and proximity blur when transportation like cars and planes keeps the most distant places within reach. Similarly, the internet makes communication possible at a click of a button. Yet, in a time where we are more connected than ever, we may feel isolated to what surrounds us. 

In the past year, national issues feel closer to the Ateneans' daily experiences. Flood waters obstruct the paths we walk. Student spaces become inaccessible due to rigid rules and renovations. Frustration and helplessness simmer within us as we are more conscious of inequalities, especially with recent corruption scandals revealing the broken systems within society. In places where we supposedly call home, we disengage from it because it has alienated us. 

With limited space to enact agency, we tend to detach from creative expression with the continuing trend of anti-intellectualism. To resist this threat, art and literature can act as markers to our current context. Artists’ and writers’ stances memorialize observations and craft responses to varying issues and subject matter. In engaging with these voices, perspectives, and narratives, they build bridges to create connections, or burn them to isolate others.

For the second regular folio for the 73rd year, HEIGHTS Ateneo opens its call for contributions to pieces that examine the distance/proximity between people and their positions in places they are situated in. Ultimately, the publication asks for writers and artists to look into the self and its relationships through dynamics they observe. As we grapple with the tensions, we ask: How do you situate yourself? Where do you stand?

Submission Guidelines 

HEIGHTS is calling for submissions for its first regular folio under the theme of “distance/proximity.” We are inviting all Higher Education Cluster students, professors, staff, and alumni to submit their work.

We accept written works in English and Filipino and visual art in any medium.

For written works in English and Filipino:

We accept poetry, short fiction, literary essays, literary criticism, one-act plays, screenplays, and critical essays.

Only a maximum of seven (7) works from different genres will be accepted per contributor. 

For every work, two (2) copies must be submitted: one in .DOCX format and one in .PDF format. (A4 Size)

Label BOTH copies with the filename [LAST NAME] Title (e.g.[DELA CRUZ] Untitled).

Submit all works in the following format: EB Garamond, font size 11 and 1.5 spacing.

For visual art:

We accept illustrations, paintings, photographs and photo manipulation, mixed media, sculpture, video art, or visual art in any other medium.

Only a maximum of ten (10) works and a maximum of two (2) series will be accepted per contributor. Indicate whether submissions are individual works or part of a series in the file name.

Further instructions are as follows:

• All works must be attached as an image file with a resolution of at least 300 dpi.

• Files with .JPEG / .PNG / .IMG extensions will be accepted.

• Reel or screenshots for .GIF and other video files will be accepted.

• Photoshop and Illustrator files will not be accepted.

• Please be reminded that the publication may choose to accept series in parts only.

• Notes on Procedure: Artists are encouraged to send a 250-word written accompaniment to their work, which may be used for the deliberation process. This text may include the artist’s creative process, concepts and frameworks used, and the like. Notes on procedure must be attached as a .DOCX file. This will not be published in the folio. 

For every work, label the file with the TITLE, MEDIUM, and DIMENSION of the work. 

(e.g. [OCAMPO] Brown Madonna. Oil on canvas. 62 by 47 cm.)

Information

All contributors must submit a .DOCX file with the following information:

• Name

• Year and Course/Department/Course and Year Graduated

• Contact Number

• ​​Bio-note

Label the document with the filename [LAST NAME] Bionote  (e.g. [DELA CRUZ] Bionote)

Please follow this format: EB Garamond, font size 11 and 1.5 spacing.

Submit your works to:

heights.english@gmail.com (English)

heights.filipino@gmail.com (Filipino)

art.heights@gmail.com (Art)

Use the subject line: [73.2] Last Name (e.g. [73.2] Dela Cruz)

The deadline for submissions is on February 7, 2026.

Terms and Conditions

By submitting your work to HEIGHTS Ateneo’s Call for Contributions, you are consenting to the following if your piece is accepted into the publication: 1) the piece may be posted on HEIGHTS’ online pages such as Facebook and Instagram, 2) the piece may be printed and exhibited in any of HEIGHTS’ projects and events, 3) HEIGHTS may contact the author or artist regarding any modifications in the piece. 

The editors’ copies of unpublished work and correspondence relating to it will be deleted at most one (1) calendar year from the publication of the folio the work is submitted to. 

Copyright reverts to the original author or artist. HEIGHTS accepts previously published works. 

___________________________________________________________________________________________________

73.2 Panawagan para sa mga Akda

Ano ang nararamdamang malayo? Ano ang tila malapit?

Ang layo—kung ihahambing sa kung ano ang malapit—ay lumalawak.

Inuunawa natin ang lapit-layo sa pisikal na espasyo bilang pagpapakita kung gaano tayo kalayo o kalapit mula sa isang tiyak na punto. Nararamdaman din ito sa mga emosyonal na kalagayan, kung saan ang mga lamat sa ugnayan ay maaaring magtulak sa ating lumayo sa mga tao o bagay na mahalaga sa atin. Sa mga espasyong ito, pinagmamasdan natin ang mga relasyon at nagpapasya tayo kung ano ang nais nating gawin sa mga puwang sa pagitan, kung palalawakin ba ang mga ito, pananatilihin, o tuluyang isasara.

Lumalabo ang hangganan sa pagitan ng layo at lapit kapag sa pamamagitan ng mga sasakyan tulad ng kotse at eroplano ay mabilis nating nararating kahit pa ang pinakamalalayong lugar. Sa parehong gana, ginagawang posible ng internet ang komunikasyon sa isang pindot lamang. Gayunpaman, sa panahong tila lalo tayong nagiging konektado, maaari pa rin tayong makaramdam ng pagkakahiwalay mula sa mga nakapaligid sa atin.

Sa nakalipas na taon, mas nagiging malapit sa araw-araw na karanasan ng mga Atenista ang mga isyung kinahaharap ng  bansa. Hinaharangan ng baha ang mga landas na ating tinatahak. Ang mga espasyong pang-estudyante ay sinasagwil ng eksklusibong mga patakaran at pagsasaayos ng imprastraktura. Kumukulo sa ating kalooban ang pagkadismaya at kawalang-magagawa habang higit tayong nagiging mulat sa mga hindi pagkakapantay-pantay, lalo na sa gitna ng mga kamakailang eskandalo ng korupsiyon na inilalantad ang mga bulok na sistema ng lipunan. Maging sa mga lugar na tinatawag nating tahanan, unti-unti tayong napapalayo dahil tayo mismo ay itinataboy nito.

Buhat ng limitadong espasyo upang maisakatuparan ang sariling ahensya, napapalayo tayo sa malikhaing pagpapahayag dulot ng patuloy na pag-usbong ng anti-intelektuwalismo. Upang tutulan ang bantang ito, ang sining at panitikan ay maaaring maging pananda sa ating kasalukuyang kalagayan. Ang mga paninindigan ng mga alagad ng sining at manunulat ay nagsisilbing gunita mula sa kanilang mga obserbasyon at tugon sa iba’t ibang isyu at paksa. Sa pakikipagtagpo sa kanilang mga tinig, pananaw, at salaysay, nagagawa nilang lumikha ng mga tulay upang bumuo ng mga ugnayan, o wasakin ang mga ito upang ihiwalay ang iba.

Para sa ikalawang regular na folio sa ika-73 taon nito, binubuksan ng HEIGHTS Ateneo ang panawagan para sa mga akda na sumusuri sa lapit-layo sa pagitan ng tao at ng posisyon nito sa mga lugar na kinalalagyan. Hinihikayat ng publikasyon ang mga manunulat at alagad ng sining na kilatisin ang sarili at ang mga relasyon nito sa pamamagitan ng mga kalakarang kanilang nasasaksihan. Habang humaharap tayo sa mga tensiyon, ang tanong: Paano mo inilulugar ang iyong sarili? Saan ka tumitindig?

Mga Patnubay sa Pagpasa

Binubuksan na ng HEIGHTS ang panawagan sa mga akda para sa ikalawang regular na folio na may temang, “lapit-layo.” Iniimbitahang magpasa ng kanilang mga akda ang mga mag-aaral, guro, alumni, at kawani ng Higher Education Cluster.

Tumatanggap kami ng mga akdang pampanitikan sa English at Filipino at mga akdang Sining gamit ang kahit anong medyum.

Para sa mga akda sa English at Filipino:

Tumatanggap kami ng mga tula, maikling kuwento, sanaysay, kritisismo, dulang may isahang yugto, at screenplay.

Bawat kontributor ay inaasahang magpasa ng hindi hihigit sa pitong (7) akda mula sa iba’t ibang genre. 

Sa bawat akdang isusumite, mangyaring ilakip ang dalawang (2) kopya ng akda: isang kopya sa pormang .DOCX at isa sa pormang .PDF (A4 Size). Ang filename ng dokumentong ito ay [APELYIDO] Title (hal. [DELA CRUZ] Untitled)

Isumite ang mga akda nang may ganitong format: EB Garamond, font size 11, at 1.5 spacing.


Para sa mga akdang Sining-Biswal:

Tumatanggap kami ng mga biswal na obra: ilustrasyon, painting, potograpiya, mixed media, photomanipulation, o mga akda sa kahit anong biswal na medium.

Maaari lamang magpasa ang bawat manlilikha ng hindi lalagpas sa sampung (10) akda at hindi lalagpas sa dalawang (2) serye.

Sabihin sa pangalan ng file kung indibidwal o bahagi ng isang serye ang mga ipapasa.


Mga karagdagang patnubay:

• Ilakip ang lahat ng mga akda bilang image file na may 300 dpi pataas na resolusyon.

• Tinatanggap ang mga files na may .JPEG / .PNG / .IMG extensions.

• Tinatanggap ang mga reel o screenshot ng mga .GIF at iba pang video file.

• Hindi tatanggapin ang Photoshop at Illustrator files.

• Mangyaring tandaan na maaaring tanggapin ng palathala ang piling bahagi lamang ng mga serye.

• Mga Tala ukol sa Proseso ng Malilikha: Inaanyayahan ang mga manlilikha na magpasa ng paliwanag kasabay ng kanilang nilikha, ukol sa kanilang malikhaing proseso, mga konsepto at balangkas na ginamit, at iba pang mga detalye na maaaring makatulong sa proseso ng deliberasyon. Gagawin ito sa isang sanaysay na hindi lalagpas sa 250 na salita, at ilalakip bilang isang .DOCX file. Hindi ito ilalathala sa folio.

Para sa bawat akda, ilagay sa pangalan ng file ang PAMAGAT, MEDIUM, at SUKAT nito. (hal. [OCAMPO] Brown Madonna. Oil on canvas. 62 by 47 cm.)

Impormasyon

Kailangang magpasa ng lahat ng manunulat at manlilikha ng ng isang .DOCX file na naglalaman ng sumusunod na impormasyon:

• Pangalan

• Taon at Kurso

• Contact Number

• Bio-note

Ang filename ng dokumentong ito ay [APELYIDO] Bionote (hal. [Dela Cruz] Bionote).

Isumite ang bionote nang may ganitong format: EB Garamond, font size 11, at 1.5 spacing.

Ipasa ang inyong mga akda sa:

heights.english@gmail.com (Ingles)

heights.filipino@gmail.com (Filipino)

art.heights@gmail.com (Sining)

Gamitin ang subject line: [73.2] Apelyido (e.g. [73.2] Dela Cruz)

Nakatakdang araw ng pagpasa: ika-7 ng Pebrero, 2026.

Mga Tuntunin at Kondisyon

Sa pagsusumite ng iyong akda sa taunang panawagan ng HEIGHTS Ateneo, ika’y sumasang-ayon sa mga sumusunod nang matanggap ang iyong piyesa: 1) ang akda ay maaaring maibahagi sa HEIGHTS’ online pages tulad ng Facebook at Instagram, 2) ang akda ay maaaring mailathala at maipakita sa mga proyekto ng HEIGHTS, 3) maaaring makipag-ugnay ang HEIGHTS sa awtor ukol sa anumang rebisyon ng piyesa.

Buburahin ang mga kopya ng patnugot ng mga hindi nailathalang akda, kasama ang kaugnay nitong proseso ng talakayan sa loob ng (1) calendar year mula sa publikasyon ng folio kung saan isinumite ang piyesa. 

Mananatili ang copyright sa orihinal na awtor o kumatha. Tumatanggap ang HEIGHTS ng mga akdang dati nang inilathala.

Want to be featured on HEIGHTS?

We are calling for contributions for the next set of articles to be featured right in our next folio. Come and submit your works today!