Doubt can overwhelm our grasp of reality.
To live through discomfort and division, our minds overflow with waves of questions. We question institutions and their capacity to provide for the demands of their stakeholders. We question politicians and the promises they vow to attend to. We question the credibility of the content we consume online. We question others’ actions, and we judge if they made the right decisions. We question ourselves, whether we can uphold the standards imposed on us by ourselves and by others. We seek answers, and ultimately, reassurance in a time of fear and uncertainty.
But doubt can birth meaningful art and literature. It is innate in writers and artists to reflect on experience, nuance ideas, and experiment with form—creating new ways of seeing and engaging with others. The art and literature we hold dear are attempts at sorting through our doubts. They provide a kind of clarity, whether it be uplifting or discouraging.
What unsettles us then prompts us to act. Distrust in authority acts as a fuel to resist injustices against the marginalized. Fears and worries about the future moves people to band together and protect communities. Uncertainty propels us to tackle challenges and troubles with care, courage, and creativity.
For the first regular folio for the 73rd year, HEIGHTS Ateneo opens its call for contributions to pieces about doubt and its potential for transformation. The publication challenges writers and artists to question, to reflect, and to discover where we are situated today. When a multiplicity of perspectives are presented in our realities, we ask: What creates doubt in you? How do you confront doubt?
Submission Guidelines
HEIGHTS is calling for submissions for its first regular folio under the theme of “Doubt.” We are inviting all Higher Education Cluster students, professors, staff, and alumni to submit their work.
We accept written works in English and Filipino and visual art in any medium.
For written works in English and Filipino:
We accept poetry, short fiction, literary essays, literary criticism, one-act plays, screenplays, and critical papers.
Only a maximum of seven (7) works from different genres will be accepted per contributor. For every work, two (2) copies must be submitted: one in .DOCX format and one in .PDF format. (A4 Size)
Submit all works in the following format: EB Garamond, font size 11 and 1.5 spacing.
For visual art:
We accept illustrations, paintings, photographs and photo manipulation, mixed media, sculpture, video art, or visual art in any other medium.
Only a maximum of ten (10) works and a maximum of two (2) series will be accepted per contributor. Indicate whether submissions are individual works or part of a series in the file name.
Further instructions are as follows:
• All works must be attached as an image file with a resolution of at least 300 dpi.
• Files with .JPEG / .PNG / .IMG extensions will be accepted.
• Reel or screenshots for .GIF and other video files will be accepted.
• Photoshop and Illustrator files will not be accepted.
• Please be reminded that the publication may choose to accept series in parts only.
• For every work, indicate TITLE, MEDIUM, and DIMENSION on the file name.
• Notes on Procedure: Artists are encouraged to send a 250-word written accompaniment to their work, which may be used for the deliberation process. This text may include the artist’s creative process, concepts and frameworks used, and the like. This will not be published in the folio. Notes on procedure must be attached as a .DOCX file.
Information
All contributors must submit a .DOCX file with the following information:
• Name
• Year and Course/Department/Course and Year Graduated
• Contact Number
• Bio-note
Label the document with the filename [BIONOTE] Last name (e.g. [BIONOTE] Dela Cruz)
Submit your works to:
heights.english@gmail.com (English)
heights.filipino@gmail.com (Filipino)
art.heights@gmail.com (Art)
The deadline for submissions is on September 6, 2025.
_____________________________________________________________________________________
Niyayanig ng pagdududa ang ating pagkakaunawa sa realidad.
Sa agos ng buhay sa gitna ng hirap at hidwaan, binabaha ang ating isipan ng rumaragasang mga katanungan. Pinagdududahan natin ang mga institusyon at ang kanilang kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kanilang nasasakupan. Kinukuwestiyon natin ang mga pulitiko at ang mga pangakong paulit-ulit nilang inuusal. Inuusisa natin ang kredibilidad ng mga impormasyon mula sa mundo ng internet. Pinagmamasdan natin ang kilos ng iba, at hinuhusgahan kung tama ba ang kanilang mga pasya. Maging ang sarili’y walang kawala sa paulit-ulit nating pagtatanong kung kaya ba nating panindigan ang mga pamantayang itinakda ng ating sarili at ng ating lipunan. Naghahanap tayo ng mga kasagutan, at higit sa lahat, ng katiyakang masasandigan sa panahong tigib ng takot at kawalang-kasiguraduhan.
Subalit, ang pagdududa ay maaari ring magbunga ng mga makahulugang akda. Likas sa mga manlilikha ng sining at panitikan ang magnilay sa mga karanasan, palalimin ang mga kaisipan, at subukin ang iba’t ibang paraan ng pagtanaw at pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Ang mga akdang ating pinapahalagahan ay pagtatangka na suriin ang ating mga pagdududa. Nakapagbibigay ng kaliwanagan ang mga ito na maaaring nakapagpapasigla o nakapagpapahina ng kalooban.
Anumang bumabagabag sa atin ay nagtutulak sa ating kumilos. Ang kawalan natin ng tiwala sa may hawak ng kapangyarihan ang siyang humihimok sa atin na tutulan ang kawalang-katarungang nanunupil sa mga nasa laylayan ng lipunan. Dahil hindi tiyak kung saan tayo dadalhin nitong agos ng buhay, tayo’y pinagkakaisa ng takot at pangamba upang pangalagaan ang ating mga pamayanan. Tayo’y pinauusad ng kawalang-katiyakan upang harapin ang mga hamon at sigalot nang may malasakit, tapang, at malikhaing kaisipan.
Para sa unang regular na folio sa ika-73 taon nito, binubuksan ng HEIGHTS Ateneo ang panawagan para sa mga akdang tumatalakay sa pagdududa at sa kakayahan nitong makapagpabago. Hinahamon ng publikasyon ang mga manunulat at manlilikha ng sining na magtanong, magnilay, at kilatisin ang ating kinatatayuan sa kasalukuyan. Sa mundong binubuo ng samu’t saring mga pananaw at karanasan, saan nagmumula ang iyong mga pagdududa? Paano ka nagpapasya sa harap ng iyong mga pagdududa?
Palatuntunin sa Pagpasa
Binubuksan na ng HEIGHTS ang panawagan sa mga akda para sa unang regular na folio na may temang, “Pagdududa.” Iniimbitahang magpasa ng kanilang mga akda ang mga mag-aaral, guro, alumni, at kawani ng Higher Education Cluster.
Tumatanggap kami ng mga akdang pampanitikan sa English at Filipino at mga akdang Sining gamit ang kahit anong medyum.
Para sa mga akda sa English at Filipino:
Tumatanggap kami ng mga tula, maikling kuwento, sanaysay, kritisismo, dulang may isahang yugto, at screenplay.
Bawat kontributor ay inaasahang magpasa ng hindi hihigit sa pitong (7) akda mula sa iba’t ibang genre. Sa bawat akdang isusumite, mangyaring ilakip ang dalawang (2) kopya ng akda: isang kopya sa pormang .DOCX at isa sa pormang .PDF. (A4 Size)
Isumite ang mga akda nang may ganitong format: EB Garamond, font size 11, at 1.5 spacing.
Para sa mga akdang Sining-Biswal:
Tumatanggap kami ng mga biswal na obra: ilustrasyon, painting, potograpiya, mixed media, photomanipulation, o mga akda sa kahit anong biswal na medium.
Maaari lamang magpasa ang bawat manlilikha ng hindi lalagpas sa sampung (10) akda at hindi lalagpas sa dalawang (2) serye.
Sabihin sa pangalan ng file kung indibidwal o bahagi ng isang serye ang mga ipapasa.
Mga karagdagang patnubay:
• Ilakip ang lahat ng mga akda bilang image file na may 300 dpi pataas na resolusyon.
• Tinatanggap ang mga files na may .JPEG / .PNG / .IMG extensions.
• Tinatanggap ang mga reel o screenshot ng mga .GIF at iba pang video file.
• Hindi tatanggapin ang Photoshop at Illustrator files.
• Mangyaring tandaan na maaaring tanggapin ng palathala ang piling bahagi lamang ng mga serye.
• Para sa bawat akda, ilagay sa pangalan ng file ang pamagat, medium, at sukat nito.
• Mga Tala ukol sa Proseso ng Malilikha: Inaanyayahan ang mga manlilikha na magpasa ng paliwanag kasabay ng kanilang nilikha, ukol sa kanilang malikhaing proseso, mga konsepto at balangkas na ginamit, at iba pang mga detalye na maaaring makatulong sa proseso ng deliberasyon. Gagawin ito sa isang sanaysay na hindi lalagpas sa 250 na salita, at ilalakip bilang isang .DOCX file. Hindi ito ilalathala sa folio.
Impormasyon
Kailangang magpasa ng lahat ng manunulat at manlilikha ng ng isang .DOCX file na naglalaman ng sumusunod na impormasyon:
• Pangalan
• Taon at Kurso
• Contact Number
• Bio-note
Ang filename ng dokumentong ito ay [BIONOTE] Apelyido (hal. [BIONOTE] Dela Cruz)
Ipasa ang inyong mga akda sa:
heights.english@gmail.com (Ingles)
heights.filipino@gmail.com (Filipino)
art.heights@gmail.com (Sining)
Nakatakdang araw ng pagpasa: ika-6 ng Setyembre, 2025.
We are calling for contributions for the next set of articles to be featured right in our next folio. Come and submit your works today!