Itatanghal ng Ateneo ENterteynment para sa TAo, Bayan, LAnsangan, at DiyOs (ENTABLADO) ang “Sa Tahanan ng Aking Ama”, ang unang produksyon ng ika-42 na tagdula, na matutunghayan mula ika-9 hanggang ika-27 ng Oktubre sa Doreen Black Box, Areté, Pamantasang Ateneo de Manila, Lungsod ng Quezon.
Sa ilalim ng direksyon ni Dr. Jerry C. Respeto, ang produksyon ay pagsasalin din ni Dr. Respeto sa Filipino ng dulang “In My Father’s House” na isinulat ni Elsa Coscolluela na hango sa kanyang tunay na karanasan.
Umiikot ang dula sa mga Santamaria, isang makapangyarihang pamilya ng pulitiko sa Dumaguete, Negros noong okupasyon ng mga Hapon sa Pilipinas. Batay sa mga karanasan ni Coscolluela sa kanyang ama at sa pamilya ng kanyang biyenan, inilalarawan ang unti-unting pagguho ng mga Santamaria na bunga ng tunggalian sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya sa gitna ng giyera.
Inilulunsad ng Ateneo ENTABLADO, ang unang sosyo-politikal na organisasyong panteatro ng Ateneo de Manila University, ang “Sa Tahanan ng Aking Ama” bilang panimula ng kanilang ika-42 na tagdulang may temang “Pasakálye!” kung saan nagbibigay-diin ito sa diskurso ukol sa mga inaapi at naghihirap dahil sa sistema ng lipunan.
“We believe that this play truly embodies ENTA’s current advocacy, especially in its thematic focus on commitment — a commitment that serves as the central theme of the play, as the Santamaria family confronts personal conflicts and realizes [that] they stand at a crossroads between defending their family and defending the nation,” pahayag ng ENTABLADO.
(“Naniniwala kami na tunay na kinakatawan ng dulang ito ang kasalukuyang adbokasiya ng ENTA, lalo na sa pokus nito sa tema ng dedikasyon — isang dedikasyong nagsisilbing sentrong tema ng dula nang harapin ng pamilya Santamaria ang kanilang mga personal na tunggalian at nang mapagtanto nilang pinapagitnaan sila ng mahirap na desisyon sa pagitan ng pagtatanggol sa kanilang pamilya at pagtatanggol sa bansa.”)
Isasadula ang mga miyembro ng pamilya Santamaria nina Jethro Tenorio at Gie Onida bilang Carlos, Glecy Atienza at Katski Flores bilang Amanda, Arkel Mendoza at Gino Ramirez bilang Miguel, Vino Mabalot at Johnrick Noynay bilang Franco, Bea Jose at Iman Ampatuan bilang Isabel, at Chase Salazar at Joy Delos Santos bilang Cristy.
Gagampanan naman nina Chantei Cortez, Louis Paguia, at Rona Saunders ang tauhan ni Marissa. Gaganap din sina Jeremy Mayores, Uriel Dolorfino, at Jerome Loresco bilang Emilio, Charles Yee, Gerald Morfe, at Mav Ang bilang Captain Haroda, Lyle Viray, Julius Rafael, at Kyle Tano bilang Victor, Adriane Ungriano, Miko Coroza, at Sam Juada bilang Benito, at Josh Olmos, Sam Juada, Gab Pacardo, Mav Ang, at Joax Geronimo bilang mga sundalo.
Pinangungunahan ni Respeto ang artistic team bilang direktor, habang si Irish Pimentel ang nangangasiwa sa Direksyong Panteknikal. Kasama nila ang mga designer na binubuo nina Ohm David (Entablado), John Batalla (Ilaw), Robert Yam (Tunog), G.A. Faliarme (Bidyo), Jopie Sanchez (Makeup at Buhok), at Jean Pierre Reniva (Kausotan). Si Vince Lim ang nagsisilbing composer (Musika), samantalang si Nilo Bermiarmente ang namamahala sa Sound Engineering, at si Oliver Quintana ang Dramaturhiya ng dula.
Kabilang sa mga Production Head ang mga sumusunod na miyembro ng ENTABLADO: Patricia Panganiban (Production Management), Axel Limjoco (Assistant Production Management), Fiona Geronimo (Stage Management), Zia Palomar at Sam Pasayloon (Stage at Props), Clem Jumawan (Sounds), Mikka Masakayan (Costumes), Mia Morales (Makeup), John Wayne Lee at Alex Adul (Documentation at Publications), Briana Bernabe (Marketing at Promotions), Maria Loreine Montemayor (House Management), Abigail Palad (Sales Management), at Chloe Estanislao (Nourishment).
Tunghayan ang kuwento ng mga Santamaria na puno ng tensyong pampamilya, pangkasaysayan, at pampulitika sa pagbubukas ng ika-42 na tagdula ng ENTABLADO. Ipapalabas ang dula ng 7 n.g. sa Oktubre 9–11, 15–18, at 23–25, at ng 2 n.h. at 7 n.g. sa Oktubre 12–13, 19–20, at 26–27.
Maaaring bumili ng mga tiket sa kalakip na link: https://bit.ly/ENTA_SaTahananNgAkingAma. ₱850 para sa regular na tiket, habang ₱680 ito para sa mga senior citizen at persons with disability (PWD), ₱500 para sa mga estudyante ng Ateneo, ₱450 para sa mga iskolar ng Ateneo, at ₱400 para sa mga PWD mula sa Ateneo.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang mga sumusunod na plataporma ng Ateneo ENTABLADO:
Facebook: www.facebook.com/@ateneo.entablado/
Twitter: https://x.com/AteneoENTABLADO
Instagram: www.instagram.com/ateneoentablado
TikTok: www.tiktok.com/@ateneoentablado
Tala ng Patnugot: Si Zia Palomar ang nagsisilbing Katuwang na Patnugot ng Sining ng HEIGHTS Ateneo para sa kasalukuyang taong panuruan.
Ashe Villena is a BS Psychology sophomore at Ateneo de Manila University. Forever a humanities and social sciences girl at heart, she channels her time off the academic (and gala) grind through her affinity with writing — from literature to pop culture and everything in between.
We are calling for contributions for the next set of articles to be featured right in our next folio. Come and submit your works today!